Bilang ng nasawing mamamahayag tumaas sa 2022

Bilang ng nasawing mamamahayag tumaas sa 2022

January 17, 2023 @ 11:14 AM 2 weeks ago


PARIS — Tumaas ng 50 porsyento noong 2022 ang bilang ng mga pagpatay sa mga mamamahayag at manggagawa sa media kung saan umabot ito sa 86, ayon sa UN cultural body na UNESCO.

“After several years of consecutive declines, the steep rise in the number of journalists killed in 2022 is alarming,” ani UNESCO Director-General Audrey Azoulay sa isang pahayag.

“Authorities must step up their efforts to stop these crimes and ensure their perpetrators are punished, because indifference is a major factor in this climate of violence,” dagdag pa niya.

Natuklasan ng UNESCO na walang sinumang nahatulan sa 86 porsiyento ng mga kaso.

Ang mga motibo sa pagpatay sa mga mamamahayag ay kinabibilangan ng “reprisals for reporting on organized crime, armed conflict or the rise of extremism, and covering sensitive subjects such as corruption, environmental crimes, abuse of power and protests,” sabi ng UNESCO.

Aabot sa 44 o kalahati ng mga mamamahayag na pinatay noong 2022 ay nasa Latin America at Caribbean.

Naiulat sa Mexico ang pinakamaraming bilang ng nasawing mamamahayag na umabot sa 19; na sinundan ng Ukraine sa 10 patay at Haiti sa siyam.

Natuklasan ng UNESCO na humigit-kumulang kalahati ng mga mamamahayag na naitala nitong pinatay noong nakaraang taon ay walang tungkulin noong panahong iyon. RNT