Bilang ng nasawing manggagawa para sa World Cup ‘between 400 and 500’ – opisyal

Bilang ng nasawing manggagawa para sa World Cup ‘between 400 and 500’ – opisyal

November 30, 2022 @ 9:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Qatari official na “between 400 and 500” migrant workers dang nasawi sa construction projects na konektado sa 2022 World Cup.

Mas mataas ang pagtatayang ito kumpara sa naunang naiulat na bilang ng mga nasawi kaugnay ng $200 billion ginastos sa stadiums, subway lines at iba pang imprastraktura.

Nagmula ang bilang kay Hassan Al-Thawadi, secretary general ng Qatar’s Supreme Committee for Delivery and Legacy, sa panayam ni British journalist Piers Morgan.

“The estimate is around 400, between 400 and 500,” ani Al-Thawadi kay Morgan. “I don’t have the exact number. That’s something that’s been discussed.”

Naglabas ang Qatari Supreme Committee spokesman ng pahayag nitong Martes na “there were 3 work-related deaths and 37 non-work related deaths connected to the 8 stadiums, 17 non-competition venues and other related sites under the SC’s scope.”

“Separate quotes regarding figures refer to national statistics covering the period of 2014-2020 for all work-related fatalities (414) nationwide in Qatar, covering all sectors and nationalities.”

Binuksan ang World Cup, na sa unang pagkakataon ay ginanap sa Middle East, noong Nobyembre 20 at gugulong hanggang Dsiyembre 18.

“One death is a death too many—plain and simple,” sabi ni Al-Thawadi told Morgan. RNT/SA