Bilang ng Pinoy na nasasapul ng chronic kidney disease, dumarami!

Bilang ng Pinoy na nasasapul ng chronic kidney disease, dumarami!

March 16, 2023 @ 12:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang health experts nitong Miyerkules hinggil sa pagdami ng mga Pilipino na nagkakaroon ng chronic kidney disease.

Batay sa ulat, halos 7 milyong Pilipino ang sapul ng sakit. Sinabi ng mga eksperto na mahalaga nag early diagnosis para mapigilan ito.

ā€œWe have seen a significant increase of chronic kidney disease being one of the top five causes of death of Filipinos,ā€ pahayag ni Dr. Vimar Luz, board member ng Philippine Society of Nephrology.

Subalit, maraming indibidwal ang hindi batid na mayroon silang problema sa kidney, dahil hindi sila nagpapasuri.

Batay sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), ilang pasyente na dinala sa ospital ang nakararanas na ng renal failure.

ā€œThese are lifestyle diseases, sa ating pagkain, too much carbohydrates, sugar, diabetes ‘yun, hypertension, cholesterol, triglycerides, ‘yung mga taba sa pagkain. At around 50 to 70 years old, marami na tayong sakit dahil sa poor eating habits,ā€ pahayag ni NKTI executive director, Rose Marie Rosete-Liquete.

Gaya ng ibang sakit, maiiwasan ang sakit sa kidney sa pamamagitan ng healthy lifestyle, pagkain, at regular check-ups.

ā€œSa kabataan pa lamang, dapat ay nagkakaron na dapat ng mga test, urinalysis ang isa sa mga pinaka-basic. Palagay ko yan ang importante nating malaman, nang maagapan. Karamihan diyan yung namamaga ang kidney sa mga bata, ā€˜pag medyo teenager na sila, or 20’s 30’s chronic glomerulonephritis na yun, yung namamaga ang kidney,ā€ dagdag ni Liquete. RNT/SA