Bilang ng walang trabahong Pinoy, bumaba sa 2.93M

Bilang ng walang trabahong Pinoy, bumaba sa 2.93M

March 18, 2022 @ 9:28 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Sa kabila ng restriksyong ipinataw dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 cases bunsod ng banta ng Omicron variant sa pagpasok ng 2022, bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes, umabot sa 2.93 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Enero.

Ani PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa na katumbas ito ng  6.4% unemployment rate.

Mas mababa naman ito sa naitalang 6.6% unemployment rate na naitala noong Disyembre 2021 na katumbas ng 3.27 milyong walang trabahong Pinoy.

Sa kabilang banda, bumaba rin ang underemployment sa 14.9 percent nitong Enero.

Katumbas ito ng  to 6.40 milyon kumpara sa 16.1 percent o 7.04 million na naitala noong Oktubre 2021.

Nilinaw naman ng PSA na ang datos mula sa Surigao Del Norte at Dinagat Islands ay hindi nakasama sa pinkahuling labor force survey dahil sa epekto ng bagyong Odette. RNT