Bilateral engagements sa US counterpart, target ng PH Army

Bilateral engagements sa US counterpart, target ng PH Army

March 16, 2023 @ 3:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Philippine Army (PA) chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. na mas palalakasin pa ng bansa ang defense engagements nito sa US Army.

Kasunod ito ng isinagawang fellowship sa pagitan ng PA at American military officials sa pagbubukas ng “Salaknib” exercise noong Marso 13.

Sa pahayag ni Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, nitong Miyerkules, Marso 15, ang naturang event ay bilang pagkilala kay US Army I Corps commander Lt. Gen. Xavier T. Brunson na personal pang dumalo sa pagbubukas ng Salaknib exercises sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Ang fellowship dinner naman ay idinaos sa Shangri-La at The Fort, Bonifacio Global City.

“The CGPA (Commanding General PA) also acknowledged the intensified engagements between the two countries focusing on interoperability in the areas of territorial defense, counter-terrorism, humanitarian assistance and disaster response, warfighting functions, and military professionalism despite the constraints on face-to-face engagements brought on by the Covid-19 pandemic,” sinabi ni Brawner.

Umaasa rin ito ng mas marami pang bilateral engagements at mga aktibidad na magpapalakas sa nais ng PA at US Army na panatilihin ang kapayapaan sa rehiyon.

“The activities we undertake together are a true testament to our commitment to upholding the same degree of trust and confidence that we have consistently displayed. While working hand in hand, may we continue to share best practices and lessons gained as we build our capacity as dependable and credible forces,” dagdag niya.

Ang “Salaknib” ay idinadaos kasama ang United States Army Pacific (USARPAC) at tatakbo hanggang Abril 4.

Ito ay isang Army-to-Army training sa pagitan ng PA at USARPAC.

“The training audience will conduct bilateral exercises in Fort Magsaysay, Nueva Ecija and other venues in Central Luzon and Northern Luzon. ‘Salaknib’ ‘s first phase will precede Exercise ‘Balikatan’ slated for April 2023 while its second phase is scheduled for the third quarter of 2023,” sinabi naman ni Trinidad.

Ang “Salaknib” o salitang Ilokano na nangangahulugang kalasag, ay taunang ginagawa upang mapalakas ang interoperability ng Filipino at Amerikanong sundalo. RNT/JGC