Bilibid nais ilipat ni DOJ Sec. Remulla sa Occidental Mindoro

Bilibid nais ilipat ni DOJ Sec. Remulla sa Occidental Mindoro

July 16, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na target niyang ilipat ang New Bilibid Prison (NBP) mula sa Muntinlupa City patungo sa Occidental Mindoro.

“Kung pwede, ilipat ang maximum security sa malayong lugar para hindi na sila nakakapinsala rito. . . . We don’t want them mixing with the population,” pahayag ni Remulla.

“Nung isang araw lang, may nahulihan ng shabu sa Bilibid. ‘Yan ay isang senyales lang na may problema tayo,” dagdag niya.. “Kung ang negosyo nakakapasok sa kulungan, pa’no pa ang security natin as a people.”

Ani Remulla, binisita niya ang Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, kung saan kasya ang 10,000 maximum security prisoners na kasalukuyang nasa NBP.

Kahit na nais niya itong maisakatuparan sa kanyang unang 100 araw sa opisina, alam niyang “it will take time” at budget upang magawa ito.

“Muntinlupa should no longer be the jail that it used to be,” sabi ni Remulla. RNT/SA