Billboard na naka-briefs si David, binaklas!

Billboard na naka-briefs si David, binaklas!

February 25, 2023 @ 1:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Tila may unwritten rule ang GMA para kay David Licauco: no to underwear billboards.

Tinanggal na kasi si David sa billboard kasama sina Derrick Monaseterio at Paul Salas in their Bench body underwear.

Parang bigla-bigla ito kung paniniwalaan ang tsikang mahigpit na ipinagbabawal ng GMA na makitang sexy ang aktor sa kanyang mga endorsements.

Nangyari lang naman ito nang biglang sumikat ang Chinoy actor sa papel bilang Fidel sa natapos nang historical fantasy portal na Maria Clara at Ibarra.

Tinanggal man si David sa underwear billboard ay may ipinalit naman na matatagpuan sa EDSA Guadalupe.

Still endorsing the men’s line, this time ay isang wholesome David Licauco ang sasalubong sa mga motorista and pedestrians alike.

Naka-sando at denim pants na siya ngayon.

Iniimbitahan nga ni David ang kanyang mga fans to go visit the spot kung nasaan ang kanyang imposing billboard.

Mukhang ipinaubaya na lang ni David ang pagpapaseksi kina Derrick at Paul, na kung mapapansin ay naungusan na niya nang milya-milya.

The last sexy photo of David was recently posted on social media kung saan nakahiga siya sa upuan sa beach, walang pang-itaas pero may takip na straw hat ang dibdib at naka-de kuwatro.

Ayon nga sa paglalarawan ng mga netizens, kanin na lang daw ang kulang dahil may ulam na! Ronnie Carrasco III