Billy, dinumog sa France!

Billy, dinumog sa France!

October 8, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account, nag-share si Hayden Kho ng latest picture niya kasama sina Dra Vicki Belo, Billy Crawford at ang misis nitong si Coleen Garcia.

Binisita kasi nila ng doktora sa France ang mag-asawa para suportahan ang performance ni Billy sa television dance contest na Danse Avec les Stars (Dancing with the Stars).

Aniya, na-amaze daw siya sa muling pagsikat na TV host-actor matapos maging bahagi ng naturang dance contest.

Kahit daw sa pampublikong lugar ay marami ang humihingi ng autograph ni Billy dahil sa kasikatan nito ngayon sa France.

“Very proud of this guy @billycrawford. He’s become such a sensation (once again!) here in France. People literally stop him on the streets for autographs and photos,” caption ni Doc Hayden.

Proud din siya na muling humahataw ang karera ni Billy, this time as a dancer, sa nasabing bansa.

Nagpasalamat naman si Billy sa solid na suporta sa kanya ng mag-asawang doktor.

Speaking of Coleen, hindi naman nagpakabog ang actress kay Billy sa pagsayaw nang maging surprise guest ito ng mister sa nabanggit na show. Archie Liao