Billy, emosyunal sa pagtuntong sa GMA

Billy, emosyunal sa pagtuntong sa GMA

August 19, 2022 @ 8:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi naiwasang maging emosyonal ni Billy Crawford nang muling tumuntong sa GMA compound.

Partikular na nakarating si Billy sa opisina ng itinuturing niyang tatay-tatayan, ang yumaong si German Moreno o Kuya Germs.

Humanga ang singer-host kung paanong sa kabila ng pagkawala ng binansagang Master Showman ay napanatili ng ilang network staff ang tanggapan nito.

Intact pa rin kasi ang  mga tinamo nitong tropeo at ang iconic sequined vest.

Sey ni Billy, “In 20 years, ngayon lang uli ako napadpad dito. Or shall I say first time ko pumunta rito nang hindi ko kasama si Kuya Germs. But I can feel his presence.”

Nakita raw niyang muli ang ilang pamilyar na mukha na tulad niya’y emosyonal din.

Bily wishes to thank a few network staff who have taken good care of Kuya Germs’ memorabilia.

Kung bakit nasa bakuran ng GMA si Billy ay dahil inaabangan na ang iho-host niyang The Wall Philippines.

In a sense, may pagka-figurative ang salitang “wall” dahil sa kabila ng katotohanang matagal nang wala si Billy sa Kapuso Network ay never siyang nagtayo ng wall.

Maisingit lang talaga? Ronnie Carrasco III