Billy, lalayasan ang Pinas, makikipagsapalaran sa France!

Billy, lalayasan ang Pinas, makikipagsapalaran sa France!

June 6, 2022 @ 8:12 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa first week of July ang takdang pag-alis ni Billy Crawford patungong France kasama ang kanyang pamilya.

Ilang buwan ding mananatili roon si Billy.

Kung matatandaan, nagkaroon ng singing career si Billy sa France.

Certified hits ang mga kanta niya.

This time around, susubukan uli ni Billy kung magtatagumpay siya roon.

In hindsight, sumagi na sa isip ni Billy ang mangibang-bansa particularly in Australia.

Ito ‘yung panahong isa siya sa mga nawalan ng raket nang hindi pagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN.

Desidido na nga si Billy na ibenta ang kanyang mga ari-arian dito, uncertain what future would hold him.

Good thing, dumating ang offer para sa isang show on TV5 at sinunggaban niya ito.

Kung si James Reid ay sa Amerika napiling makipagsapalaran, sa France naman si Billy.

‘Yun nga lang, he has to brush up on his French lessons.

Samantala, on vacation ang kanyang Mommy Mayet sa bansa.

Based na ito sa Texas, USA taking care of Billy’s father na matanda at isang PWD. Ronnie Carrasco III