Ukay-Ukay, gagawing legal ng Senado; Paglaganap ng used-clothing kinuwestiyon ni Tulfo kahit bawal

August 16, 2022 @2:20 PM
Views:
3
MANILA, Philippines- Iminungkahi ng dalawang senador sa Senado ang pagsasa-legal sa importasyon ng “Ukay-Ukay” o second-hand clothes matapos kinuwestiyunin ni Senador Raffy Tulfo ang pagpupuslit nito sa Bureau of Customs (BOC) sa kabila ng ipinagbabawal ng batas.
Inihayag ito ni Tulfo sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Senador Win Gatchalian matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang vlooger at online seller na tinatarget sila ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagbubuwis.
Ayon kay Tulfo, dapat hinahabol ng BIR ang mga bigtime smugglers tulad ng nagpupuslit ng “ukay’ukay” at langis sa bansa na hindi nagbabayad ng buwis.
Sinabi ni Tulfo na wala siyang galit sa mga small-time ukay-ukay seller pero ipinagbabawal ang importasyon nito pero laganap ang produkto kahit saang sulok ng bansa.
“‘Di po ba ang ukay-ukay ay bawal po ‘yan? Nasa batas po natin ‘yan. Dapat po hindi tayo nagbebenta ng mga ukay-ukay dahil ang mga ukay-ukay po ay ‘yan ay mga secondhand dapat po donations yan dumidiretso yan sa DSWD (Department of Social Welfare and Development). Di ho ba tama? “ayon kay Tulfo.
Sumang-ayon naman si Customs Deputy Commissioner Edward James Buco na ipinagbabawal ang importasyon ng used clothes saka ipinaliwanag na kahit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may patakaran na hindi tumatanggap ng “ukay-ukay”.
Ngunit, iginisa ni Tulfo si Buco dahil sa kabila ng ipinagbabawal ang importasyon, laganap ang bentahan ng produkto kahit may pambansang patakaran laban dito.
“So why in the heck tumingin ka sa kaliwa’t kanan. Sa Luzon, Visayas, Mindanao nagkakalat ang mga ukay-ukay? So ano po ang ginagawa ng Bureau of Customs? Bakit nakalusot itong mga ukay-ukay?” aniya.
Sinubukang “magpalusot” ng Customs officials sa paliwanag na kanilang ipinatutupad ng batas laban sa pagpupuslit ng used clothes pero nagiging mautak ngayon ang mga ismugler.
Hindi sumang-ayon si Tulfo kay Buco.
“I dont think so. Sorry, Mr. Buco. Gumala lang po kayo diyan sa mga kanto, sa mga kalye. Diyan sa Divisora, Baclaran, kahit saang sulok ngayon marami na ang ukay-ukay. Ano ba kayo bulag? I’m sorry for the word again,” ayon sa senador.
“Ang pinag-uusapan po natin dito hindi ginagawa ata ng Bureau of Customs ang kanilang trabaho… Siguro po ‘yung mga maliliit huwag na ho nating hulihin. Siguro sitahin lang saan galing ito? Sino ang nagparating nito? Sino ang importer? Sino ang consignee? etcetera. Eh palagay ko po hindi na tinatanong dahil ang consignee ay ‘friendship’ na,” patuloy ni Tulfo.
Ikinatuwiran pa ni Buco na marami na silang nakumpiskang shipments ng used clothes at nakapagsampa ng kaukulang kaso sa importer pero iginiit ni Tulfo na talamak pa rin sa merkado ang bentahan ng “ukay-ukay.”
Inihayag naman ni Gatchalian na hindi nito nalalaman na ipinagbabawal ang importasyon ng ukay-ukay sa ilalim ng Republic Act 4653.
Kaya hiniling niya sa BOC na makipagtulungan sa local government units sa implementasyon ng naturang batas dahil hindi alam ng maraming mamamayan na illegal ito.
Dahil dito, iminungkahi ni Tulfo na gawin nang legal ang commercial importation ng used clothes kundi hindi kayang pigilan ito ng BOC.
“Siguro since hindi kayang kontrolin ng Bureau of Customs ‘yung pagpasok ng ukay-ukay, siguro we have to come up with the system na, I don’t know, legalize ukay-ukay,” aniya.
“Dahil sa ngayon wala pong binabayad na buwis ang ukay-ukay, tama [o] mali? Di ‘ba wala po ni singkong duling? So kung wala siyang binabayad na singkong duling na buwis eh bakit po nagbebenta sya’t pinagkakitaan? Siguro it’s about time to revisit kung ‘di niyo po kayang pigilan,” giit niya.
Pumayag si Gatchalian sa panukalang bisitahin muli ang batas. Ernie Reyes
Broner umatras sa laban vs Figueroa

August 16, 2022 @2:14 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Umatras si dating four-division champion Adrien Broner ilang araw bago ang kanyang nalalapit na laban sa Agosto 21 (oras sa Pilipinas) kontra kay Omar Figueroa sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.
“Man I’m going thru a lot at this moment in my life but I ain’t [going to] give up. I set some more goals and I ain’t stopping until I finish what I started but sorry to say this but I’m not fighting [on August 20],” ani Broner sa kanyang Instagram.
Si Broner, 34-4-1 na may 24 knockouts bilang propesyonal na boksingero, ay huling lumaban noong Pebrero 2021 laban kay Jovanie Santiago kung saan siya ay nanalo sa pamamagitan ng unanimous decision. Hindi idinetalye ng brash American ang dahilan ng kanyang pag-withdraw ngunit binanggit ang kanyang mental health.
“Sorry to all my fans but mental health is real and I’m not about to play inside the ring. I’ve watched a lot of people die playing with [their] boxing career and that is something I won’t do,” ani Broner.
Ang dating naka-iskedyul na showdown sa pagitan ng Broner at Figueroa ay itinakda para sa pangunahing kaganapan ng Showtime Championship Boxing. Sa kabila ng sorpresang anunsyo mula kay Broner, nagpasya ang Showtime na ituloy ang kaganapan nang wala ang orihinal na headliner nito.JC
Special Investigation Task Group Jovelyn, binuo

August 16, 2022 @2:06 PM
Views:
9
PALAWAN- Bumuo ng Special Investigation Task Group Jovelyn ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), para sa mabilis na pagresolba sa kaso ni Jovelyn Galleno noong Agosto 5, 2022.
Ayon kay PCPT. Victoria Carmen C. Iquin, ng PPCPO, sa mga nakalap nilang CCTV footage mula sa loob at labas ng Robinsons Mall na pinagtatrabahuhan ng biktima nakita itong sumakay ng puting multicab mula sa Robinsons Mall patungong Sta. Lourdes.
Bagaman hindi gaanong malinaw ang kuha ng CCTV kinumpirma ito ng kanyang pamilya na si Jovelyn ang sumakay sa puting multicab na pinagbasehan nila sa mga kilos nito at tangkad.
Natunton naman ng pulisya ang driver ng multicab at sa kanilang pag-uusap hindi umano matandaan ng driver kung isinakay niya si Jovelyn dahil sa dami ng pasahero at naka-mask.
Matatandaan na 11-araw ng nawawala si Jovelyn, 22-anyos, Criminology student, na hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga awtoridad maging ang ina nito ay hindi maisip na parang bula na lamang nawala ang kanyang anak.
Inilarawan rin ng kanyang pamilya at mga kaibigan si Jovelyn na isang mabait na bata at nakatutok lamang sa trabaho at sa kanyang pag-aaral na ang tanging pangarap lamang ay makapagtapos sa pag-aaral para makatulong sa pamilya.
Nakiusap naman ang pamilya ni Jovelyn sa publiko na sa halip magbigay ng negatibong komento ay tulungan na lamang silang magdasal na ligtas itong mabalik sa kanilang tahanan.
Patuloy naman ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na mayroong nalalamang impormasyon kaugnay sa pagkawala ni Jovelyn ay ipagbigay alam sa kanila sa pamamagitan ng pag-contact sa Cellphone numbers 09778557732, 09271624065 at 09985985906. Mary Anne Sapico
LeBron, Curry, Tatum dumalo sa kasal ni Draymond Green

August 16, 2022 @2:02 PM
Views:
12
MANILA, Philipines – Ilang buwan matapos makuha ang kanyang ikaapat na NBA championship kasama ang Golden State Warriors, nagdagdag si Draymond Green ng isa pang singsing sa kanyang koleksyon.
Nitong katapusan ng linggo, ikinasal siya at ang aktres na si Hazel Renee sa Malibu na dinaluhan ng mga superstar sa NBA.
Dumalo si Stephen Curry, kasama ang dating kakampi at bagong forward ng Los Angeles Lakers na si Juan Toscano-Anderson.
Kabilang din sa panauhin sina LeBron James, Jayson Tatum at Seth Curry.
Ang Michigan State Spartans men’s basketball coach na si Tom Izzo, ang ahente ng sports na si Rich Paul at ang manlalaro ng golp na si Michelle Wie West, na ang asawang si Jonnie, ay direktor ng mga operasyon ng basketball ng Golden State, ay nakita din sa kaganapan.
Nag-pose si James para sa mga larawan kasama sina Green at Curry, at kalaunan ay itinuro na ang tatlo ay nagmamay-ari ng kabuuang isang dosenang singsing ng kampeonato.JC
Presensya ng CHR sa illegal drug raids oks sa DOJ

August 16, 2022 @1:52 PM
Views:
12