Binabantayang LPA, ganap nang bagyong Karding

Binabantayang LPA, ganap nang bagyong Karding

August 7, 2018 @ 12:42 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tuluyan nang naging Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi naman tatama sa lupa ang bagyong pinangalang ‘Karding’.

Huling namataan ang bagyong ‘Karding’ sa layong 1,220 mula sa Silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour (kph) at pagbugso na 65 kph.

Samantala, nasa 420 kilometro naman ang layo ng isa pang LPA sa Kanluran ng Subic, Zambales.

Inaasahan namang palalakasin ng Karding at ng isa pang LPA ang Hanging Habagat (Southwest Monsoon) na magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Hilagang Luzon at Kanlurang bahagi ng Central Luzon simula sa Biyernes (August 10). (Remate News Team)