Binabantayang LPA naging bagyo na!

Binabantayang LPA naging bagyo na!

October 26, 2022 @ 12:38 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ganap nang naging isang tropical depression ang binabantayang low pressure area sa silangan ng Eastern Visayas.

Ito ay ayon sa PAGASA nitong Miyerkules, Oktubre 26 at tatawagin itong Tropical Depression Paeng.

“At 8:00 a.m. today, the low pressure area East of Eastern Visayas developed into Tropical Depression #PaengPH,” ayon sa ulat ng ahensya.

Dahil dito ay nagsimula na rin ang pagpapalabas ng tropical cyclone bulletins.

Sa 11 a.m. weather advisory, sinabi ng PAGASA na asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na minsan ay intense sa Visayas at Caraga sa susunod na 24 na oras dahil sa shearline at trough ng bagyong Paeng.

Light to moderate with at times heavy rains naman ang maaaring maranasan sa Quezon, Bicol region, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula.

“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in areas with significant antecedent rainfall.” RNT/JGC