Binabantayang LPA posibleng maging bagyo sa Lunes

Binabantayang LPA posibleng maging bagyo sa Lunes

August 21, 2022 @ 8:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan ang trough o extension ng isang low pressure area (LPA) na matatagpuan sa silangan ng Cagayan sa rehiyon ng Bicol, Quezon, at apat na iba pang lugar ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Ang iba pang apektadong lugar ay ang Marinduque, Romblon, Samar Provinces, at Biliran.

Ang mga nabanggit na lugar ay makararanas din ng maulap na kalangitan at pagkidlat-pagkulog. Ang mga flash flood o landslide ay maaaring magresulta sa panahon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Alas-3 ng madaling araw, ang LPA ay nasa 755 km silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa susunod na 24 oras ay posibleng maging ganap na bagyo ito o tropical depression, dagdag pa ng PAGASA.

Sumikat ang araw alas-5:43 ng umaga habang lulubog ito mamayang alas-6:16 ng gabi.