Binakanteng posisyon ni Ombudsman Martires, binuksan na ng JBC

Binakanteng posisyon ni Ombudsman Martires, binuksan na ng JBC

August 3, 2018 @ 6:05 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Binuksan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nominasyon para sa susunod na Associate Justice ng Supreme Court kapalit ng bagong talagang si Ombudsman Samuel Martires.

Nauna rito, nag-file na ang mahistrado ng kanyang ‘early retirement’ na agad ding pinagbigyan ng Korte Suprema matapos siyang piliin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na natapos na ang termino noong July 26.

Sa anunsiyo ng JBC, hanggang bago mag-Septembter 3, 2018 lang pwedeng magpasa ng mga dokumento at requirements.

Kabilang sa mga dapat isumite ng mga aplikante ay ang kanilang mga sworn statements of assets, liabilities and net worth (SALN) sa nakalipas na mga taon.

Kasama rin dito ang resulta ng kanilang mga medical exam sa loob ng anim na buwan.

Ang JBC ay pinamumunuan nina Acting Chief Justice Antonio Carpio kasama sina Senator Richard Gordon, Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali at si Justice Secretary Menardo Guevarra. (Remate News Team)