Binaril na sa ulo, sinaksak pa… todas

Binaril na sa ulo, sinaksak pa… todas

July 30, 2018 @ 1:16 PM 4 years ago


 

Tondo, Maynila – Binaril na, sinaksak pa ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang isang 36 anyos na helper, Lunes ng madaling araw.

Sa ulat kay PCI Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktima na si Michael Natural “alyas Bulol”, nakatira sa Parola, Tondo.

Sa report ni PO3 Alden Legaspi, may hawak ng kaso, dakong alas 4:05 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kahabaan ng IPB Road sa may harap ng Red Cargo Pier 2 ng nasabi ding lugar.

Nauna rito, nakikipag-usap umano ang biktima sa isang hindi rin nakilalang tao nang sumulpot ang dalawang suspek at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Matapos barilin ay inundayan pa ng saksak ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Tumakas naman ang mga suspek sa direksyon ng Road 10.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)