Binata, dalagang top most wanted sa Isabela naaresto sa SACLEO

Binata, dalagang top most wanted sa Isabela naaresto sa SACLEO

July 6, 2021 @ 1:44 PM 1 year ago


ISABELA-Sa kulungan ang bagsak ng dalawang katao na nasa top most wanted person matapos maaresto sa Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation o SACLEO sa magkahiwalay na operasyon ng San Manuel Police Station dito sa nabanggit na probinsya.

Naaresto si Joyce Ann Dajay, 28-anyos, dalaga at residente ng Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela sa 8 counts ng qualified theft o pagnanakaw na may piyansang Php30, 000.00 at Php 24,000 bawat isa sa karagdagan kasong kinakaharap nito para sa pansamantalang kalayaan.

Isinilbi din ang warrant of arrrest ng pulisya sa Barangay Barangay District 4 ng nasabing bayan kung saan ay nagtatago ang akusadong si Ronnel Cugay, 23-anyos, binata na residente sa naturang lugar.

Si Cugay ay nahaharap sa kasong robbery na may piyansang Php. 24,000.00 para sa kanyang oansamantalang kalayaan.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj.Jose Torrijos, hepe ng San Manuel Police Station ang mga naturang akusado sina Cugay ay nasa top 9 most wanted sa provincial level habang si Dajay ay nasa top 1 most wanted sa municipal level.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni PCol. James Melad Cipriano, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang pamunuan ni PMaj.Torrijos sa pagtalima sa kanyang direktiba na paigtingin ang kampanya sa SACLEO at laban sa kriminalidad.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ipasakamay sa court of origin. REY VELASCO