Binata kalaboso sa pagbebenta ng baril sa Malabon

Binata kalaboso sa pagbebenta ng baril sa Malabon

April 2, 2022 @ 3:20 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Swak sa karsel ang isang lalaki matapos makuhanan ng baril sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si John Christian Elpaulino, 28 ng Don Binito Brgy., 21, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Paul Colasito, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa confidential informant na nagbebenta umano ng baril at bala ang suspek sa Alupihang Dagat St., Brgy. Longos, Malabon city.

Bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PCAPT Melito Pabon at isinagawa ang planed buy bust operation, kasama ang isang regular confidential informant (RCI) na nagawang makipagtransaksyon sa suspek.

Nang matapos ang transaksyon, nilapitan ng mga operatiba ang suspek at inaresto kung saan narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver at P1,000 marked money.

Nanaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 at BP 881 in relation to Comelec Resolution no. 10728. Boysan Buenaventura