Binata kulong sa pangmomolestiya sa bebot

Binata kulong sa pangmomolestiya sa bebot

July 17, 2022 @ 4:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Himas-rehas naman ngayon ang 33-anyos na binatang mangingisda matapos pasukin at himasin ang maselang parte ng katawan ng 23-anyos na bebot sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na kinialala bilang si Manuel Mendoza ng Block 3, Bacog Brgy. Daabghari.
Lumabas sa imbestigasyon ng Navotas Police Woman and Children’s Protection Desk (WCPD) na mahimbing na natutulog ang biktima na itinago sa pangalang “Katya” sa loob ng kanilang bahay sa Tulay 1, Tabing Dagat, Brgy. Daanghari nang maramdaman niyang may humahaplos sa maselang bahagi ng kanyang katawan dakong alas-9 ng gabi.
Inakala ng biktima na ang kanyang live-in partner ang humahaplos sa kanyang ari subalit nang imulat niya ang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang suspek kaya’t nagsisigaw siyang humingi ng tulong.
Kaagad na sumaklolo ang kalive-in ng biktima, pati na ang dalawa niyang bayaw, at kaagad na pinagtulungan sapakin ang suspek subalit nagawa pa rin nitong makatakas.
Sinamahan ng kanyang ina ang suspek sa barangay para magreklamo, subalit nandoon na rin ang biktima na naging dahilan upang arestuhin siya ng mga tanod at dalhin sa pulisya matapos positibo siyang kilalanin ng ginang. Boysan Buenaventura