Binata kulong sa pangmomolestiya sa dalagita sa Navotas

Binata kulong sa pangmomolestiya sa dalagita sa Navotas

January 16, 2023 @ 12:30 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Swak sa loob ng rehas na bakal ang isang binata matapos pasukin at molestiyahin ang isang menor-de-edad na babae habang natutulog katabi ang kanyang ina sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Mark Rudolf Tumandao, 25 ng Espada St., Brgy. NBBS Kaunlaran na nahaharap sa kasong Acts of lasciviousness.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Women’s ang Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. NBBS Kaunlaran ang biktima, kasama ang kanyang ina dakong alas-4:40 ng pasukin ng suspek at minolestiya ang dalagita.

Gayunman, nang maramdaman ng biktima na may humahaplos sa kanyang dibdib ay nagising ito at nakita niya ang suspek na agad namang lumabas ng bahay nang mapansin na nagising siya.

Ginising ng biktima ang kanyang ang sinabi ang ginawa sa kanya ng manyakis na lalaki na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mag-ina sa mga tanod ng Brgy. NBBS Kaunlaran na nagresulta sa pagkakaaresto kay Tumandao. Boysan Buenaventura