Binata na may diperensya sa pag-iisip tumalon sa mall

Binata na may diperensya sa pag-iisip tumalon sa mall

September 14, 2022 @ 12:34 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang binata na sinasabing may sakit sa pag-iisip nang tumalon mula sa ikatlong palapag pero bumagsak ito sa mga naka-display na ibinebentang kama sa ground floor ng SM Fairview sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na itinago sa pangalang Jeffrey, 24 anyos, residente ng Brgy., Muzon, SJDM, Bulacan.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Pasong Putik Proper Police Station (PS-16), bandang 3: 25 ng hapon (September 12), nang maganap ang insidente sa Center Mall Lower Ground Floor ng SM City Fairview sa Quirino Highway, Brgy., Greater Lagro, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Runald Ceniza ng PS-16, nasa ikatlong palapag ng gusali ang roving guard na si Denmark Hilaria Fernandez, nang makarinig ng malakas na sigawan mula sa mga taong namamasyal sa mall.

Nang kaniyang beripikahin kung bakit naghihiyawan ang mga tao ay nakita niya ang biktima na nasa ibabaw ng mga naka-display na ibinebentang kama .

Nalaman na lamang niya na tumalon pala mula sa ikatlong palapag ng mall ang biktima at masuwerteng bumagsak sa kama na agad dinala sa kanilang clinic.

Ayon kay Lou Ellen B. Araza, nurse ng mall, masuwerte at nasalo ng malambot na kama ang biktima kaya wala itong tinamong mga sugat at pilay sa katawan at ngayon ay nasa maayos na itong kalagayan.

Sa panayam naman sa kapatid ng binata na si Merry Jane Olitan Cresante, may history ng Mental Problem (Anxiety/Deppression) ang biktima na dati nang dinala sa Mandaluyong Mental Hospital noong May 2020 at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa itong inoobserbahan. Jan Sinocruz