Binata na most wanted sa rape sa Navotas, nalambat

Binata na most wanted sa rape sa Navotas, nalambat

March 8, 2023 @ 2:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dinampot ng pulisya ang isang binata na listed bilang most wanted sa kasong panggagahasa sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Marc Jacob Macasling De Guzman, 19, ng 118 Little Samar St. Brgy. San Jose Navotas City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Gregorio Cueto at PCPT Luis Rufo Jr ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanilang bahay dakong alas-12:20 ng hapon.

Hindi na pumalag ang akusado nang isilbi sa kanya ng mga tauhan ng WSS ang warrant of arrest na inisyu ng Branch 9 Family Court ng Navotas City noong Pebrero 21, 2023 para sa kasong Rape at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ani PSSg Sammy Llanderal, pansamantalang nakapiit sa Costudial Facility ng Navotas CPS ang akusado habang hinihintay pa ang ilalabas na commitment order ng hukuman. Boysan Buenaventura