Binata na wanted sa panghihipo, nabingwit sa Navotas

Binata na wanted sa panghihipo, nabingwit sa Navotas

November 10, 2022 @ 3:04 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Rehas na bakal naman ang hinihimas ngayon ng isang binata na listed bilang most wanted dahil sa kasong panghihipo matapos malambat sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Mardon Lee Salingbay, 32 ng 241 R. Domingo St., Brgy. Tangos North, Navotas City.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS at Sub-Station 2 ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto kay Salingbay sa kanyang bahay dakong ala-1:15 ng hapon.

Si Salingbay ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cecilia B Parallag ng Family Court Branch 9, Navotas City na may petsang October 10, 2022 para sa kasong paglabag sa Act of Lasciviousness in relation to RA 7610. Boysan Buenaventura