Binata nahulog sa bangin, dedbol

Binata nahulog sa bangin, dedbol

January 6, 2022 @ 7:29 AM 7 months ago


ILOCOS SUR- Tigok ang 20-anyos na lalaki matapos mahulog sa bangin sa Poblacion, Quirino ng lalawigang ito kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si Revin Sobredo y Macuroy, binata, residente ng naturang barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima kasama ang iba pa ay masayang nag-iinuman ilang metro ang layo mula sa bangin.

Tumayo at umalis umano ang biktima para umihi malapit sa bangin  pero habang umiihi ito ay nawalan ng balanse kaya nahulog.

Agad na isinugod sa Quirino Primary Health Care Facility ang biktima pero idineklarang dead on arrival. Rolando S. Gamoso