Binata, natagpuan patay sa maisan

Binata, natagpuan patay sa maisan

April 17, 2022 @ 11:17 AM 3 months ago


CAUAYAN CITY, ISABELA – Patay na ng matagpuan ang isang binata sa maisan sa Purok 6 Brgy, Dianao, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Dennis Canaoay, 25-anyos, binata, construction worker at residente ng Purok 7, Brgy Buyon, Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Police Major Grandeour Tangonan, Deputy Chief of Police ng Cauayan City Police Office, ipinagbigay alam sa kanilang himpilan ng pulisya ang nanay ng biktima na nawawala ang kanyang anak.

Una rito, nagpaalam umano ang biktima na makipagkita sa kanyang kasintahan hanggang sa hindi na ito umuwi sa kanilang tahanan.

Napag-alaman, na huling nakaalitan umano ng biktima ay tatay ng kanyang kasintahan na itinago sa pangalang “Nena” dahil tumututol sa pagmamahalan ng mga ito.

Kung saan lalo umanong nagalit ang tatay ng kasintahan ng biktima ng malaman na may nabuong relasyon na umano ang dalawa.

Nitong huli ay nabalitaan nila kay Brgy Capt. Roel Quebral ng Brgy. Buyon na mayroon natagpuang bangkay sa gitna ng maisan na pagmamay-ari ni Amervito Lariosa na kinumpirma ni Wilson Lucas, step father ng biktima.

Agad nagsagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya at Cauayan City Forensic Unit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. Rey Velasco