Binata patay sa pananaksak sa harap ng paaralan sa QC

Binata patay sa pananaksak sa harap ng paaralan sa QC

November 30, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Patay sa pananaksak ang 18-anyos na lala nang atakihin siya ng hindi pa kilalang suspek sa harap ng isang paaralan sa Quezon City.

Batay sa paunang ulat ng pulisya, kasama ng biktima ang 16-anyos na lalaking kapatid at isa pang pinsan na lalaki harap ng San Francisco High School.

Bigla umanong dumating ang babaeng kaklase ng kapatid ng biktima na may kasamang isang lalaki. 

Diumano’y itinuro ng babae sa kasama nito ang kapatid ng biktima at dito na pinagsasaksak ang tatlo.

Base sa salaysay ng pinsan ng mga biktima, nitong nakaraang linggo ay nabalitaan niya na may kaalitan ang tatlo ngunit inakala niyang away-bata lang ito.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa pang biktima sa isang ospital.

Tinutugis na ng mga pulis ang dalawang suspek kabilang ang isang Grade – 8 na babae at kasama nitong lalaki. RNT/SA