Binata sabog-bungo, ginawang panggatong sa Elyu

Binata sabog-bungo, ginawang panggatong sa Elyu

March 11, 2022 @ 1:00 PM 4 months ago


LA UNION -Tustado ang katawan at halos hindi makilala ang isang lalaki nang matagpuan sa isang makahoy na bahagi ng bundok sa Brgy. Bato, San Fernando City ng lalawigan ito.

Bandang 8:30 ng umaga ng Miyerkoles, isang residente ang nagtungo sa nasabing lugar para kumuha sana ng mga kahoy ang nakadiskubre sa bangkay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, may dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima mula sa hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Ang biktima ay nakilalang  si Tyrone Abuan, 21, binata, residente ng San Gabriel, La Union.

Nauna nang naiulat na nawawala ang biktima.

Blangko pa rin ang mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek. Rolando S. Gamoso