Binata timbog sa pagtutulak ng P720K tsongki

Binata timbog sa pagtutulak ng P720K tsongki

April 24, 2022 @ 4:30 PM 2 months ago


PEÑABLANCA, Cagayan – Umaabot sa P720,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa isang binata matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Alimanao, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Romel Baculi, 23-anyos, at residente ng Alimanao, Peñablanca, Cagayan.

Tuluyang inaresto si Baculi matapos mabentahan ng anim (6) na bricks ng pinatuyong dahon ng Marijuana ang isang poseur buyer.

Nasa 6,000 gramo ang bigat ng anim na bricks ng marijuana.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang piraso ng travelling bag, isang unit ng cellphone, isang sling bag, isang motorsiklo at ang ginamit na buy bust money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Baculi. Rey Velasco