Binatang crew ng fastfood todas sa selosong pulis

Binatang crew ng fastfood todas sa selosong pulis

October 12, 2022 @ 5:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patay ang isang crew staff ng chowking food chain matapos na pagbabarilin ng pulis dahil umano sa selos kagabi sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang biktima na si Jasper Tapic, 30 anyos, residente ng No. 34C Don Manuel St., Brgy. Salvacion, Q.C.

Kinilala ang nakatakas na mag-asawang suspek na sina PCPL Benjamil Romoros Saransaman, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Police Station (PS 14), 29, tubong Marawi, at Roselita Geroza Saransaman, kapwa naninirahan sa No. 31 Purok 4D VDS HOA, Brgy. Culiat, Q.C.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, bandang 6:15 ng gabi, Oktubre 11 nang maganap ang insidente sa harap ng tahanan ng biktima.

Sa imbestigasyon ni Patrolman Nestor V Ariz Jr ng CIDU, ang biktima at ang misis ng pulis ay kapwa service crew ng Chowking Food Chain sa Timog Branch, sa lungsod.

Bago ang insidente, sinabi ng testigong nakilalang Anna na nagtanong umano sa kaniya ang mag-asawang lulan ng motorsiklo kung saan ang bahay ni Dayaco kaya sinamahan naman niya ang mga ito.

Nagulat na lamang umano si Anna nang biglang komprontahin umano ng pulis si Dayaco at sinabing buntis ang kaniyang misis at siya ang asawa nito.

Pagkatapos ay binunot ng pulis ang kaniyang baril at ilang beses na malapitang pinaputukan ang biktima bago tumakas ang mag-asawa.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital ang biktima pero idineklara na itong dead on arrival bandang 7:15 ng gabi, ni Dr. Lyka Ryana Tancchip, sanhi ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasamsam sa crime secne ng SOCO-QCPD Forensic Unit na pinamumunuan ni PCaptain Angay Angay ang apat na basyo ng bala ng cal. 45 at tatlong deformed bullets.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang nasabing pulis at ang misis nito upang panagutin sa ginawang krimen at ang tinitingnan nilang motibo ay posibleng selos. Jan Sinocruz