Binatang may ‘saltik’ nag-amok, todas sa parak!

Binatang may ‘saltik’ nag-amok, todas sa parak!

June 14, 2022 @ 5:24 PM 2 weeks ago


Bulacan- Patay ang isang 42-anyos na binatang may mental disorder na nag amok matapos mabaril ng rumespondeng pulis na kanyang inatake sa bayan ng Sta.Maria.

Kinilala ang napatay na si Ricardo Agno,residente ng Brgy. Sto Tomas habang ang rumespondeng pulis ay si PCpl Charles Jerome De Jesus nakatalaga sa Sta. Maria Police station.

Sa report ni Sta Maria chief of police PLTCOL Voltaire Rivera, naganap ang insidente bandang alas-12:10 ng tanghali nitong Lunes, sa Brgy. Sta. Clara.

Ayon sa report, tumawag sa kanila ang Ex-O ng Brgy. Sta Clara at inireport ang isang lalaking nag-amok na armado ng bolo sa isang subdibisyon sa kanilang lugar.

Nalamang may dalawang lalaking nakita ang suspek na walang habas na pinagtataga subalit masuwerteng nakaligtas matapos makakuha ng silya at lamesa na kanilang pinagkublihan hanggang sa makatakbo palayo.

Nang dumating sa lugar ang rumespondeng pulis ay pinilit nilang pakalmahin at pigilan ang suspek subalit walang kaabog-abog na inatake si De Jesus kaya binaril niya ito.

Agad na isinugod ang duguang suspek sa Rogaciano Mercado Memorial Hospital para sa paunang lunas subalit dead on arrival na ito.

Base pa rin sa report ng pulisya at ayon na rin kay Germando kapatid nang napaslang ay may mental disorder ito at kasalukuyang ginagamot.

Nakuha sa lugar ang bolo at basyo ng caliber 9mm. Dick Mirasol III