Binatang rapist sa Isabela timbog sa Ifugao

Binatang rapist sa Isabela timbog sa Ifugao

December 7, 2022 @ 2:59 PM 2 months ago


LAMUT, IFUGAO – Timbog ang isang binata na akusado sa kasong pangagahasa sa bayan ng San Pablo, Isabela matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa Sitio Danghay, Brgy. Nayon, Lamut, Ifugao

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Rouel Meña, hepe ng San Pablo Police Station kay PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusado ay kinalalang si Franklin Duyaggan, 23 anyos, binata magsasaka at residente ng Sitio Magamian, Brgy. Limbauan, San Pablo, Isabela

Pinangunahan ng mga operatiba ng San Pablo Police Station sa pamunuan ni PMaj. Meña, Isabela PPO kabilang ang Lamut Police Station ang pagsilbi ng warrant of arrest laban sa akusado na inisyu ni Acting Presiding Judge Dennis Mendoza ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela sa kasong rape.

Base sa inisyu na warrant of arrest ay walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Pansamantala nasa kustodiya na ng San Pablo Police Station ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco