Binatang testigo todas sa pamamaril

Binatang testigo todas sa pamamaril

July 8, 2022 @ 2:04 PM 1 month ago


KIDAPAWAN CITY- Tinawag muna saka pinagbabaril ang isang binata matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek Huwebes ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Jericho Dela Peña, 19 anyos at residente ng Barangay Balindog Kidapawan City.

Ayon kay Lieutenant Colonel Peter Pinalgan, hepe ng Kidapawan City Police, dakong alas-7:02 ng gabi naganap ang krimen ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay at pagdating sa may kanto tinawag ito ng mga suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang .45 kalibre na baril saka mabilis na nagsitakas.

Sa kabila ng mga tama ng bala nagawa pang makahakbang ng biktima palapit sa kanilang bahay pero kaulanan ay bumagsak rin ito at nalagutan ng hininga.

Sinabi ng pulisya na ang biktima ay isa sa mga testigo sa napaslang na binatang si Marco Austria nitong nakalipas na Linggo.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico