Binatang wanted sa anti-child abuse law, arestado

Binatang wanted sa anti-child abuse law, arestado

July 7, 2021 @ 12:03 PM 1 year ago


ILOCOS SUR- Hindi nakapalag ang isang 24-anyos na lalaki matapos na arestuhin ng mga otoridad sa Brgy. Don Dimas Querubin, Caoayan ng lalawigang kahapon dahil sa kinahaharap nitong kaso sa korte na paglabag sa Section 5 (B) ng RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.

Kinilala ng Caoayan Police ang naaresto na  si Christopher Cerna y Borje, binata, residente ng Brgy. Puro, ng naturang bayan.

Si Cerna ay nakalista bilang Top 4 most wanted person, municipal level.

Ang akusado ay inaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng Caoayan PS (lead unit), CIDG Isur, Santa PS at sa bisa ng warrant of arrest ng Maritime Group Isur na inilabas ng RTC Branch 22, Narvacan, Ilocos Sur na may petsang July 6, 2021.

P400,000 ang rekomendado ng korte para sa provisional liberty ng akusado. Rolando S. Gamoso