Binatang wanted sa Marikina, 2 pa nalambat sa Bulacan

Binatang wanted sa Marikina, 2 pa nalambat sa Bulacan

March 5, 2023 @ 3:35 PM 3 weeks ago


Bulacan – Arestado ang tatlong wanted na may ibat-ibang kaso matapos silbihan ng Warrant Of Arrest (WOA) ng pulisya sa magkakahiwalay na lugar sa San Ildefonso.

Kinilala ni San Ildefonso Chief of police PLt. Col. Russel Dennis Reburiano ang unang akusadong naaresto na si Kevin Gallo, 25, binata,  residente ng Brgy. Matimbubong.

Sa report ng San Ildefonso police station, naaresto si Gallo bandang 9:30 ng umaga nitong Marso 3, sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arres sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.

Huli rin bandang 11:10 ng umaga si Rodel Duca, 45 sa Brgy. Upig sa kasong Slight Physical Injuries at Grave Threats na inisyu ni Hon. Maria Cristina Botigan-Santos, Presiding Judge, Municipal Trial Court, Third Judicial Region, San Ildefonso nitong Marso 1, 2023 na may tig-P3,000 inirekomendang piyansa.

Bandang 11:25 ng umaga, naaresto rin sa Brgy. Capihan, San Rafael si Roel Duca, 19, residente ng Brgy. Upig, sa kaparehong kaso, korte at inisyung petsa na may inirekomendang piyansang P3,000.

Nalamang nasa kostudiya ng humuling istasyon ang mga akusadong inaasahang makakalalaya sa piyansa anumang oras at araw. Dick Mirasol III