Manila, Philippines – Arestado ang isang binatilyo nang mahulihan ng baril matapos sitahin ng pulis dahil wala itong damit pang-itaas sa Tondo, Maynila.
Nagsasagawa umano ng anti-criminality campaign at oplan sita ang mga awtoridad nang makitang nakahubad pang-itaas ang binatilyo.
Nang sitahin at kapkapan ay may nakuhang isang kalibre .22 revolver dahilan upang siya ay bitbitin.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa City Ordinance at illegal possession of firearms and ammunitions sa Manila City Prosecutors Office. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)