Binatilyo arestado sa rape

Binatilyo arestado sa rape

May 19, 2022 @ 5:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section ang isang 21-anyos na lalaki, na wanted sa pangmomolestiya sa isang menor de edad sa Ermita, Maynila.

Kinilala ni MPD- Director Police Brigadier General Leo “Paco” Francisco ang suspek na si Christian Ferrer na residente ng 274-C Teresa Street sa Sta.Mesa, Maynila .

Base sa report ni P/Col.Noel Aliño, bandang 11:55 ng tanghali nang posasan ang suspek sa loob ng compound ng Manila City Hall.

Bitbit ang warrant na inisyu ni Presiding Judge James Sy ng Manila RTC Branch 4 na may petsang Abril 25 kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte.

Sa rekord ng korte, si Ferrer ay nahaharap sa kasong statutory rape in relation to Sec 5(b) ng RA 7610, at napabilang ito sa top 3 most wanted person sa district level. Jocelyn Tabangcura-Domenden