Binatilyo bugbog-sarado ng ama ng nobya

Binatilyo bugbog-sarado ng ama ng nobya

March 1, 2023 @ 12:44 PM 4 weeks ago


CARCAR CITY, Cebu – PUTOK ang ulo ng isang grade 10 student na binatilyo matapos hampasin ng flower base at bugbugin ng ama ng kanyang kasintahan, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Patuloy na ginagamot sa ospital ang biktimang hindi pinangalanan sanhi ng mga tinamong sugat sa ulat at katawan.

Nakakulong naman ngayon sa lock-up facility ng Carcar City Police Station ang 38-na suspek na ama ng dalagita na isa rin grade 10 student.

Batay sa report ng pulisya, bandang 5:00 PM noong Biyernes, sa isang coffee shop sa lungsod nang makita ng ama (suspek) ang kanyang anak na dalagitang ka-date ang suspek.

Dito, sinugod ng suspek ang biktima at hinampas ng flower base saka pinagsusuntok sa iba’t ibang parte ng katawan.

Depensa ng suspek nagulat lamang siya sa kanyang nakita at hindi nagpaalam sa kanya ang anak na sa kanyang pagkakaalam ay nasa paaralan ito.

Aniya, gusto lamang niyang makapagtapos ang anak at matutupad lamang ito kapag walang sagabal ang pagpasok sa isang relasyon.

Nahaharap ngayon sa kasong RA 7610 o Child Abuse ang suspek na isang single dad./Mary Anne Sapico