Binatilyo lumutang sa ilog Pasig

Binatilyo lumutang sa ilog Pasig

March 9, 2022 @ 2:38 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bangkay ng nawawalang teenager sa katubigang bahagi ng Barangay Sta.Ana, Taytay, Rizal sa kahabaan ng Pasig River.

Ayon sa PCG, nakatanggap ang coast guard Sub-Station Nagpayong  ng tawag kaugnay sa drowning incident na nangyari sa Ilog Pasig.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue (SAR) operations  ang PCG kung saan natagpuan ang katawan ng biktima.

Kinumpirma naman ng magulang ng 14 taong gulang na  biktima na anak nito natagpuan sa Ilog Pasig. Jocelyn Tabangcura-Domenden