Binatilyo, nakuryente patay

Binatilyo, nakuryente patay

July 25, 2018 @ 4:05 PM 5 years ago


Capiz – Todas ang isang 14-anyos na binatilyo na residente ng Barangay Agbanog, Pontevedra matapos itong makuryente nitong Martes.

Lumalabas sa imbestigasyon na inaayos umano ng biktima ang linya ng kuryente sa labas ng kanilang bahay nang mahawakan nito ang open wire.

Naitakbo pa sa Bailan District Hospital ang biktima subalit hindi na ito nagawa pang maisalba ng mga duktor. (Jeff Gallos)