Binatilyo pinagbabaril ng sekyu dahil sa bakal

Binatilyo pinagbabaril ng sekyu dahil sa bakal

March 23, 2022 @ 1:50 PM 3 months ago


BACOLOD CITY- Mistulang papel sa shooting range ang likod ng isang binatilyo makaraan barilin ito ng security guard dahil umano sa ninakaw na mga bakal, Miyerkules sa lungsod na ito.

Nilapatan ng lunas sa ospital ang 16-anyos na biktimang hindi pinangalan habang nadakip naman ang suspek na kinilalang si Mark Gil Capanas.

Batay sa report ng Bacolod-PNP, naganap ang insidente sa loob ng isang subdivision sa naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon, nakita ang biktima ng suspek na nangunguha ng bakal sa subdivision na binabantayan nito.

Dahil dito, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang biktima na tinamaan sa likod, leeg, braso at ulo.

Humingi naman ng tulong ang mga kasama ng biktima kaya agad itong isinugod sa ospital at nadakip ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Narekober naman sa biktima at sako na may mga laman na bakal.

Hindi naman nagsampa na ng kaso ang magulang ng biktima at nakipag-areglo na lamang ito. Mary Anne Sapico