Binatilyo tiklo sa P345K shabu

Binatilyo tiklo sa P345K shabu

December 9, 2022 @ 6:16 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihayag ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Nicolas D Torre III, ang pagkakadakip sa 17-anyos na binatilyo nang makumpiskahan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation kagabi, Disyembre 8 sa.lungsod ng Quezon.

Ayon kay PLt. Col. Morgan Aguilar, Station Commander ng Batasan Police (PS 6), naaresto ang binatilyo bandang 7:10 ng gabi sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, QC.

Isang police ang tumayong buyer ng P130,000 halaga ng shabu mula sa menor de edad at nang magkaabutan ay saka dinakma ang binatilyo.

Nakumpiska mula sa suspek ang mahigit 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.00 at ang buy-bust money.

“Makakaasa ang mga mamamayan ng lungsod Quezon na patuloy ang ating paglatag ng mga operasyong naglalayong mapigilan ang anumang pagbabanta ng seguridad at kriminalidad sa ating komunidad,” pahayag ng QCPD chief. Jan Sinocruz