Binatilyo timbog sa bato

Binatilyo timbog sa bato

July 10, 2021 @ 1:30 PM 1 year ago


ISABELA-Sa kulungan ang bagsak ng isang binatilyo sa isinagawang anti-illegal drug buybust operation ng mga kapulisan dito sa San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa ipinarating na ulat, ang pinaghihinalaan ay 17-anyos, estudyante at residente ng Barangay 4, San Mateo dito sa nabanggit na lalawigan.

Pinangunahan ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang naturang operasyon at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.

Kapalit ng P1,000 ay nakipagtransakyon ang pinaghihinalaan sa pulis na nagpanggap na buyer dala ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Kabilang sa mga narekober sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang isang cellphone at ang buybust money na ginamit sa transaksyon.

Halos tatlong araw minanmanam ang pinaghihinalaan hanggang sa magkasa sila ng buybust operation.

Nahaharap sa kasong R A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang binatilyo. (REY VELASCO)