Binatilyo, timbog sa higit P1M shabu sa Cavite

Binatilyo, timbog sa higit P1M shabu sa Cavite

April 5, 2022 @ 3:24 PM 3 months ago


CAVITE – Arestado sa buy-bust operation ang isang 17-anyos na binatilyo sa Barangay Talaba 6 sa Bacoor.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nadakip ang suspek noong Abril 3 ng mga tauhan ng Special Operations Units 4A (SOU-4A) at Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police Station.

Narekober sa kanya ang nasa 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P1.02 million.

Nakatakas naman ang dalawang kasama nito na sina Drexter “Tabo” Buenaventura at isang “Nora”, kapwa nasa tamang edad.

“We have also coordinated with the DSWD due to the involvement of a minor in the illegal drug operation. The other two suspects are now subject to a follow-up operation,” ani PNP Chief General Dionardo Carlos.

Gayunman, pinuri ng hepe ang mga operatiba sa puspusang pagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Samantala, dinala na sa kustodiya ng SOU-4A ang mga nasamsam na ebidensya para sa dokumentasyon at proper disposition. RNT/ JCM