Binatilyong rapist himas-rehas habambuhay

Binatilyong rapist himas-rehas habambuhay

February 19, 2023 @ 12:33 PM 1 month ago


REINA MERCEDES, ISABELA-Himas rehas habang buhay ang isang binatilyo na akusado sa panggagahasa o rape na nasa top 10 regional level matapos na maaresto ng pulisya sa Purok 3, Barangay Dangan dito sa nasabing bayan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Ferdinand A. Datul, hepe ng Reina Mercedes Police Station kay PCol. Julio R. Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang akusado ay 16 anyos na pansamantala itinago sa pangalang Merwin na residente n Purok 3, Barangay Binarsang Reina Mercedes, Isabela.

Sa ekslusibong panayam ng REMATE kay PMaj. Datul ang biktima ay kapwa menor de edad din ng suspek na posibleng habang buhay na pagkabilanggo dahil walang inirekomendamg piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan ng hukuman.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco