Binatilyong rapist sa Isabela, himas rehas habambuhay

Binatilyong rapist sa Isabela, himas rehas habambuhay

September 23, 2022 @ 5:43 PM 6 days ago


QUEZON, Isabela – Posibleng habang buhay na naghihimas ng rehas na bakal o pagka-bilanggo ang kahaharapin ng binatilyo na akusado sa panggahasa matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest ng pulisya sa Barangay Arellano, Quezon, Isabela

Pansamantala itinago sa pangalang Vhong, 17 anyos at residente sa nasabing bayan.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Joseph Curugan, hepe ng Quezon Police Station ang biktima ay isa rin dalagita na itinago sa pangalan Marie na kasintahan umano ng suspek.

Dahil sa menor de edad pa lamang ang biktima ay nagsampa ng kasong pangagahasa ang magulang nito laban kay Vhong.

Batay sa isinilbing warrant of arrest ng pulisya laban sa akusado na Statutory Rape under paragraph. (1) (D) Art. 266-A of the Revised Penal Code na may Criminal Case number 23-4451-22 na inisyu ni Hon. Randy B Bulwayan, Acting Presiding Judge, RTC, Br. 23, 2nd Judicial Region Roxas, Isabela na walang kaukulang piyansa.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukukang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco