Binatilyong tinadtad ng saksak, bangkay na nang matagpuan ng tatay

Binatilyong tinadtad ng saksak, bangkay na nang matagpuan ng tatay

June 27, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


TALUGTUG, Nueva Ecija ā€“ Hindi na umano nakarating sa bahay ng kanyang girlfriend ang isang 15-anyos na binatilyo makaraang matagpuan ito na isa nang malamig na bangkay at tadtad ng saksak malapit sa isang small water impounding project sa Barangay Tandoc sa bayang ito noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng Talugtug Police ang biktima na si Cyrus Vince Antonio, 15-anyos ng barangay Tandoc., dito

Tadtad ng saksak at isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ng isang concerned citizen ang katawan ng biktima.

Ayon kay Virgilio Antonio, 40-anyos, ama ng biktima, noong gabi ng Hunto 25 ay nagpaalam ang biktima na dadalaw sa kanyang girlfriend sa barangay Guiset, Guimba sakay ng kanyang motor na Suzuki, walang plaka.

Subalit hindi na siya nakarating. Bagkus, natagpuan siya noong umaga ng Hunyo 26 na isa nang malamig na bangkay na tadtad ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy na nag-iimbestiga ang Talugtog police para sa madaling pagkakilanlan sa suspek.Ā Ver Sta. Ana