Binay itinalagang Senate ethics committee chairperson

Binay itinalagang Senate ethics committee chairperson

September 15, 2022 @ 8:10 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pamumunuan ni Senator Nancy Binay ang komite na humahawak sa mga isyung may kinalaman sa karapatan, pribilehiyo, dignidad, integridad at reputasyon ng Senado at mga miyembro nito.

Sa sesyon nitong Miyerkules, itinalaga ng mga senador si Binay bilang chairperson ng Senate ethics and privileges committee. 

Base sa Senate website, sasamahan si Binay nina Senators JV Ejercito, Mark Villar, at Risa Hontiveros. 

Kabilang din sa panel sina Senate President Pro-Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, at Minority Leader Aquilino Pimentel III bilang ex-officio members. 

Sa pagkakatalaga kay Binay, nakumpleto na ng Senado ang roster ng chairpersons para sa  41 committees nito sa 19th Congress. RNT/SA