Binay kay Padilla: Hinay-hinay lang sa marijuana medical use bill

Binay kay Padilla: Hinay-hinay lang sa marijuana medical use bill

December 7, 2022 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Senador Nancy Binay ang komiteng hinahawakan ni Senador Robin Padilla na maghinay-hinay sa deliberasyon sa panukalang legalisasyon ng medical marijuana dahil baka maihatid nito ang maling mensahe na gagamitin dito ang “raw marijuana.”

Sa pahayag, nilinaw ni Binay na hindi raw form ng marijuana ang pinag-uusapan na nais maisabatas na hindi maaaring gamitin bilang panggamot tulad nang ipinamamarali ng ilan.

“Just to be clear, ang pinag-uusapan natin dito ay hindi ang ‘raw’ form which is not for medical use,” giit ni Binay.

Aniya, isyu sa panukala ang alternatibong panggagamot na nasa pagdedebate pa kaya’t nararapat na pakinggan at balansehin ang lahat ng pros and cons nito.

“Kailangan natin tingnan ang mga ginawang research and studies, empirical data, percentage of cannabis content, qualifying medical conditions of patients who need it, opinions from doctors and clinicians, patient testimonials, history of enforcement, government regulations, etc,” giit ni Binay.

Kaya’t sinabi ng senador na dapat siyensiya ang magtutulak at magiging basehan sa pagsasabatas ng panukala hindi haka-haka ng ilan.

“At the end of the day, it should always be the science that would guide us. And we have to put in place the necessary safeguards, and prioritize the safety of patients,” ani Binay.

“From the treatment perspective, patient care is paramount, but we don’t want the law to be abused. Mahirap na,” patapos ng senadora. Ernie Reyes