Binay kinilala bilang isa sa 2022 Most Influential Personalities sa Asya

Binay kinilala bilang isa sa 2022 Most Influential Personalities sa Asya

November 3, 2022 @ 12:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling kinilala ng Tatler si Makati City Mayor Abby Binay bilang isa sa Most Influential Personalities nitong taong 2022 dahil sa kanyang inisyatibo at serbisyong pampubliko upang mapaganda ang business hub sa bansa gayundin ang mga kabuhayan ng mga residente ng lungsod.

Sa listahan ng Tatler’s sa Asia’s Most Influential 2022, pinuri si Binay sa kanyang mga program ana nag-angat sa lungsod na maging isang smart city pati na rin ang kanyang pagsisikap sa climate change awareness.

Sa ilalim ng pamumuno ni Binay, ang Makati ay iprinoklama ng United Nations Disaster Risk Reduction (UNDRR) na kauna-unahang Resilience Hub sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia.

Pinarangalan din si Binay bilang Disaster Cluster leader ng CityNet, ang pinakamalaking asosasyon ng urban stakeholders na ang layunin ay mai-promote ang mapanatili ang kaunlaran sa Asia-Pacific region.

Sa kanyang talumpati sa Daring Cities 2022 global forum, iprinisinta ni Binay ang inisyatibo ng lungsod na mai-address ang climate emergency at investments sa climate change adaptation at mitigation.

“I want my legacy to be one of positive change and transformation—not just for Makati but for the Philippines,” ani Binay.

Kabilang din si Binay sa Tatler’s list ng 32 Women of Impact 2022 sa mga napiling 32 kababaihan na nakapagsagawa ng malaking hakbang sa pagbabago ng cultural spectrum na mula business at finance patungong sa to arts, serbisyo publiko, palakasan, edukasyon, teknolohiya at pilantropo.

Binigyan din ng komendasyon ng Tatler si Binay sa kanyang pagbibigay serbisyo sa 629,616 Makatizens sa loob ng anim na taon.

Ang ilan sa mga pagseserbisyo ng administrayon ni Binay sa kanyang mga ipinatutupad na proyekto na epektibong tumutugon sa pangangailangan ng masa ay ang “All-in-One Citizen ID” na sinimulan noong 2017 na nakapag-angat sa digital transformation ng lungsod na maging Smart City.

Naging pinakaunang lungsod din ang Makati na gumamit ng automated teller machine (ATM) sa buong bansa para makapamahagi ng cash aid sa panahon ng pandemya duulot ng COVID-19.

Ang iba pang proyekto ng administrasyon ni Binay ay ang Bakuna Makati Covid-19 response program; prayoridad na proyektong imprastraktura tulad ng ospital, sports complex, and eskwelahan; distribusyon ng school supplies at scholarships sa mga estudyante; at cash grants ng mga senior citizens sa lungsod. James I. Catapusan