Biniling pandemic supplies ‘di sinabi ng COA na ‘overpriced’ – chair

Biniling pandemic supplies ‘di sinabi ng COA na ‘overpriced’ – chair

September 15, 2021 @ 3:36 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines — Matapos ang kaliwa’t kanang mga ikinasang Senate hearing, at batuhan ng tirada ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang mga miyembro ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa inimmbestigahang PPE deal, nilinaw ngayon ng COA na wala silang sinabi sa kanilang ulat na ito ay mga ‘overpriced’.

Sa pagdinig sa House committee on good government and public accountability, nilinaw ni Commission on Audit (COA) chairman Michael Aguinaldo na walang sinabi ang kanilang audit report na ang pagbili ng pandemic supplies ng Department of Budget and Management-Procurement Service (DBM-PS) ay “overpriced.”

Giit ni Aguinaldo, na ang “observations” sa COA report “relate more to inventory management than overpricing.”

Ang nasabing pagdinig sa Kamara ay iniimbestigahan ang pagbili ng DBM-PS ng pandemic supplies matapos ang COA report na sumita sa paglipat ng P42 billion pandemic funds ng Department of Health sa DBM-PS para ito ang manguna sa pagbili ng suplay.

Nagkasa rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado, at lumitaw rito na malaking bahagi ng pondo ay ibinili ng mga kagamita sa Pharmally Pharmaceutical Corp., na mas mataas umano ang presyo kumpara sa ibang kompanya.

“Ang masasabi ko lang po is wala po sa COA report ng PS-DBM ang statement na may overpricing po, there’s no statement to that. The observations relate more to inventory management than overpricing,” ani Aguinaldo sa House hearing. RNT


  •  
  •  
  •